5 Halimbawa ng Pampanitikan, Pambansa, Lalawiganin, Kolokyal, at Balbal na mga salita?

Katanungan

5 Halimbawa ng Pampanitikan, Pambansa, Lalawiganin, Kolokyal, at Balbal na mga salita?

Sagot verified answer sagot

Ang antas ng wikang pampanitikan ay ang itinuturing na pinakamayamang uri sapagkat ito ay ginagamitan ng mga salita na may ibang kahulugan gaya ng:

1.) bukas palad o matulungin

2.) kapit-tuko o mahigpit ang pagkakakapit

3.) magbanat ng buto o maghanapbuhay

4.) mababaw ang luha o iyakin

5.) magmamahabang dulang o mag-aasawa.

Ang pambansa ay kadalasang ginagamit naman sa mga babasahin, paaralan, pamahalaan, at iba pang sentro ng kalakalan o sibilisasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay:

1.) ina

2.) ama

3.) masaya

4.) dalaga

5.) aklat.

Ang lalawiganin ay mga karaniwang sinasalita batay sa lugar na tinitirhan gaya ng:

1.) gayyem

2.) amiga

3.) kaibigan

4.) higala

5.) ungngo.

Ang kolokyal ay ang antas na ginagamit sa araw-araw gaya ng:

1.) kanya-kanya

2.) antay

3.) alala

4.) naron

5.) lugal.

Ang balbal ay ang tawag sa mga pang-kalyeng salita gaya ng:

1.) istokwa o naglayas

2.) parak o pulis

3.) tiboli o tomboy

4.) eskapo o takas

5.) balbonik o maraming balahibo.