5 konseptong naglalarawan ng kabihasnan?

Katanungan

5 konseptong naglalarawan ng kabihasnan?

Sagot verified answer sagot

Ang unang konsepto ng isang kabihasnan ay (1.) isa itong organisadong lipunan o isang sibilisasyon. Ibig sabihin nito ay may mga tao at hayop na nakatira rito at sila ay pinamumunuan ng kanilang inihalal na may kapangyarihan.

May mga batas at alituntunin ring nakasulat at nasusunod, kung saan pumamasok ang (2.) ikalawang konsepto na sistema ng pagsusulat.

(3.) Maunlad na ekonomiya naman ang ikatlong konsepto. Upang matawag na kabihasnan ang isang lupain ay dapat may sapat itong kinukuhanan ng suporta na makapamumuhay sa mga tao.

Tulad ng pangangalakal, agrikultura, pangingisda, at iba pa. Ikaapat naman (4.) ang pagkakaroon ng sariling sining at kultura. At ang ikalima ay (5.) ang relihiyon o pananampalataya.