Katanungan
5 na mga impluwensya ng espanyol sa pilipinas?
Sagot
Halos mahigit tatlong daang taong sinakop ng Espanya ang Pilipinas kaya naman ating masasabi na marami ang naging impluwensiya ng mga Espanyol sa ating bansa.
(1) Isa na rito ang pananamapalatayang Katolisismo. Karamihan pa rin sa mga Pilipino ngayon ay nakabatay ang relihiyon mula sa Kristiyanismong ipinalaganap ng mga Espanyol.
(2) Ikalawa naman ay ang edukasyon. Nagkaroon ng oportunidad na makapag-aral ang mga Pilipino noon.
(3) Ikatlo ay sa pamahalaan kung saan matagal na sinusunod ng Pilipinas ang porma ng pamahalaan na mayroon ang Espanya.
(4) Ikaapat naman ay ang wikang Espanyol, kung saan iilan sa mga salita natin ay hiram mula sa kanilang wika.
At (5) ikalima ay ang pagkain, kung saan iilan rin sa mga pagkaing Pilipino ay hango mula sa mga Epsanyol.