Kilala si Nai Phan sa kanilang lugar. Nakaluluwag siya dahil sa kanyang tindahan. Magiliw siya sa kanyang mga parokyano dahil tila wala siyang limitasyon sa pagpapautang sa kanyang mga kapitbahay.
Maliban dito, nakagawian na rin niyang mamigay ng minatamis, tulad ng mga kendi, sa mga bata sa kanilang lugar.
Makikita rin ang pagkamagiliw ni Nai Phan dahil maging ang suki nitong lasenggo na laging nasa tindahan niya ay malugod niyang tinatanggap
Mahilig tumula ang lasenggo. Matapos niyang tumula ay hihingi ito kay Nai Phan ng isang baso ng tsaa na mayroong maraming yelo. Kapares nito ay isang donut na kabisado na ni Nai Phan na ihanda para sa lasenggo.
Isang gabi, umalis ang kabiyak ni Nai Phan upang manood ng sine. Dahil malalim na rin ang gabi at walang kasama, naisipan niyang magsara na. Ngunit isang binata ang nanloob sa kanya at tinapatan siya ng baril sa dibdib.
Matapang si Nai Phan kaya naman hindi siya nasindak sa pananakot ng lalaki. Bagkus ay pinahintulutan nitong kunin ng lalaki ang lahat ng nais nito dahil alam niya ang pangangailangan ng lalaki. Pinaliwanagan rin ni Nai Phan ang lalaki sa kanyang ginagawa.
Naliwanagan ang lalaki sa maayos na pakikipag-usap ni Nai Phan. Sabi ng lalaki, nag-iiba lamang ang tingin niya sa mundo dahil sa maysakit niyang ina. Umalis ang lalaki nang masaya. Ang naiwan niyang baril ay naiisipang ipagbili ni Nai Phan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Aanhin Nino Yan. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!