About Us

Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan -Jose Rizal

Handog namin sa lahat ng mga taong gustong matuto ang Panitikan.com.ph. Isang website na nakalaan para sa pagturo at pagkalat ng kaalaman sa lahat ng Pilipino. Bata o matanda, pakay namin na turuan kayo tungkol sa mayamang kultura at malawak na kasaysayan ng Pilipinas.

Sa panahon ngayon ng digital age, napakadali nalang matuto kung iyong gugustuhin lamang. Hindi mo na kailangan malunod sa mga libro ng library dahil lahat ng sagot iyong katanungan ay makikita na sa internet. Ngunit sa lahat ng benepisyo na dala ng internet ay marami rin itong negatibong aspeto. Napakadali lang magkaroon ng information overload at talaga nga namang nakakalito sa dami ng websites.

Pakay ng Panitikan.com.ph na gawin madali at mabilis ang paghanap ng mga Pilipino sa impormasyon na kanilang ninanais. Sana ay makatulong kami sa lahat ng Pilipinong gutom sa kaalaman.

Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa Panitikan.com.ph

Mabuhay!