Aga istrukturang itinayo ng mga Amerikano

Katanungan Sagot

Katanungan

Aga istrukturang itinayo ng mga Amerikano. Meron na akong nagawa pero kulang pa. Baka may makatulong po sakin! 🙂

Sagot verified answer sagot

Aga istrukturang itinayo ng mga AmerikanoNasakop ng mga Amerikano ang Pilipinas. At sa kanilang pananakop, nakapagpatayo rin sila ng iba’t ibang istruktura sa bansa na ang ilan ay hanggang sa kasalukuyan ay napakikinabangan pa rin.

Nagsimula noong 1898, nagdisenyo ang ilang enhinyero at arkitektong Amerikano ng mga gusaling alinsunod sa Greek at Roman architecture.

Ilan sa mga ito ay ang Manila Central Post Office, ang Manila Hotel, Luneta Hotel, at ang gusaling kinatatayuan ngayon ng Pambansang Museo. Sa ilalim din ng mga Amerikano una naging industriyalisado ang Baguio sa paggawa ng mga atraksiyon dito sa ilalim ni Daniel Burnham na siya ring nanguna sa pagpapaganda ng Maynila.