Akdang pampanitikan na itinuturing na maikling katha at may iisang kakintalan ay tinatawag na?

Katanungan

akdang pampanitikan na itinuturing na maikling katha at may iisang kakintalan ay tinatawag na?

Sagot verified answer sagot

Akdang pampanitikan na itinuturing na maikling katha at may iisang kakintalan ay tinatawag na maikling kuwento.

Ang maikling kuwento ay tumutukoy sa akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Ito ay binubuo ng mga pangungusap.

Ang akdang ito ay isang bungang-isip kung saan ang mga tagpo ay nababatay sa mga kaganapan sa buhay ng may akda.

Ito ay isang maikling katha na nagtataglay ng larangang maikli kung kaya ang pamamaraan ng pagsasalaysay ay tuloy-tuloy.

Bilang karagdagan, ang maikling kuwento kagaya ng iba pang mga akdang pampanitikan ay binubuo rin ng mga sangkap gaya ng tagpuan, tauhan, at banghay. Ang mga bahagi nito ay simula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.