Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa?

Sagot verified answer sagot

Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksaAng akdang pampanitikang naglalahad ng pananaw, opinyon, at impormasyon tungkol sa tiyak na paksa ay tinatawag na sanaysay.

Ang sanaysay ay isang uri ng sulating mayroong kakayahang magsalaysay ng personal na karanasan, pagbibigay ng impormasyon, maging tungkol sa isang opinyon o pananaw na maaaring makapagbago o makaimpluwensiya sa opinyon at pagtingin ng iba.

Bagaman ang pangunahing layunin ng mga sanaysay ay ang mang-aliw at magbigay ng impormasyon, sa paglaon ng panahon ay naging lunsaran na rin ito ng opinyon at damdamin patungkol sa isang paksa.

Ang kabuuan ng pananaw na ipinapahayag ay inilalagay sa tatlong mahalagang bahagi nito na panimula, gitna o katawan, at ang wakas o konkulsyon.