Sa pagkakataong ito, nagsasalita ang wikang Filipino. Inilalabas niya ang kaniyang saloobin sa dinaranas niyang pagbabago.
Nagsimula siya sa kaniyang pagwiwika ng pag-awit ng ‘Ako’y Pinoy’ ng bandang Florante na ipinagmamalaki ang pagiging Filipino.
Ibinulalas ng nagsasalitang wikang Filipino ang pagtatanggol na ginawa para sa kaniya ng dating pangulo at tinaguriang ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon. Sinabi rin niya na bilang wikang Filipino, siya rin ang simbolo ng pagkakakilanlan ng Pilipinas.
Tanyag din siya sa araw-araw na usapan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan daw ng wikang Filipino ay nagkakaroon ng maayos at malinaw na komunikasyon ang bawat mamamayan.
Gayunman, inilabas din ng wikang Filipino ang kaniyang damdamin sa pagbabagong dinaranas ng wika dulot ng modernisasyon.
Ramdam daw ng wikang Filipino na siya ay binibihasan ng bagong anyo upang makasabay sa pagiging modern ng panahon.
Inisa-isa niya ang mga pagbabagong nagaganap sa kaniya. Mayroon daw kasing inihahalo siya sa English na naging sikat bilang Taglish. Mayroon ding pagkakataon na nauso ang kakaibang wika ng mga kabataan na jejemon.
Umangal si wikang Filipino na bakit daw ba kailangan siyang isabay sa pagbabago ng panahon. Hindi naman daw siya tutol sa pag-unlad ngunit sana raw ay piliin natin kung saan uunlad at magiging maayos ang lahat.
Gamitin din daw sana ang wika sa tamang panahon at sitwasyon upang umunlad ito at hindi makalimutan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Ako Ay Ikaw. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!