Isang inggetero at hindi marunong makontentong gulay si Ampalaya. Sa kaniyang mga kaibigan, siya lang kasi ang maputla ang balat at walang magandang katangian. Ikinaiinggit niya ang magagandang katanagian ng mga kasama.
Nais niya ang magandang kulay ni Kamatis. Gusto niya rin ang tamis ni Kalabasa. Nais naman ang kakinisan ni Labanos. Gusto niya ring maging kasing lutong ni Singkamas, at magkaroon ng manipis na balat tulad ni Sibuyas.
Madalas niyang ikompara ang sarili sa iba at nilamon na ng inggit. Dahil dito, naisipan niyang nakawin ang magagandang katangian ng mga kapuwa gulay. Simula noon ay naging sikat si Ampalaya dahil sa kaniyang magagandang katangian.
Marami ang humanga sa kaniya sa pagiging perpekto. Ipinagtaka naman ng mga ibang gulay ang nawawalang katangian nila. Malakas ang kutob nila na kinuha ito ni Ampalaya. Laking gulat nila nang sundan nila si Ampalaya at nakita ang ginawa.
Hinubad nito ang kaniyang mga katangian at napatunayan nilang ninakaw lang ito ni Ampalaya. Sinumbong nila ito sa Diwata ng Lupa at pinarusahan si Amplaya. Ang balat nito ay naging kulubot.
Naging matingkad na luntian din ang kulay nito at naging napakapait ng lasa. Kahit na masustansiya si Ampalaya, kakaunti naman ang may gusto sa kaniya dahil sa mapait na ugali nito.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Ampalaya. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!