Alamat Ng Bulkang Mayon (Buod)

Maganda ang anak ng Rajah na si Daragang Magayon. Dahil dito ay maraming humahanga sa kaniya, kabilang si Kauen. Gayunman, hindi ibig ng dalaga si Kauen. Nahulog ang loob niya sa isang binatang nakilala niya nang naliligo siya sa batis.

Hindi man naging maayos ang pagkikita nila noong una ni Gat Malaya, ang binatang nakasalamuha ni Magayon, ay kalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob. Sumang-ayon din ang Rajah sa pag-iibigan ng dalawa dahil sa angking kabutihan ni Malaya.

Isang araw, naglakbay si Malaya. Nabalitaan naman ni Kauen ang nakatakdang kasal ng dalawa. Gumawa siya ng paraan at pinuntahan si Magayon at dito ay binataan niya ang buhay nito.

Sinabi naman ni Magayon na kung hindi raw babalik si Magayon sa kabilugan ng buwan ay pakakasal siya ng Kauen.

Nagbilog ang buwan at wala si Malaya kaya naman ikakasal na sana sina Kauen at Magayon. Ngunit dumating si Malaya. Nagtunggali ang dalawang binata. Inihagis ni Kauen ang kaniyang sibat ngunit humarang si Magayon at siya ang natamaan sa dibdib.

Ikinamatay ito ng dalaga. Inilibing nila ito sa isang lupain sa kahiraan ng Albay. At biglang naghimala at lumaki nang lumaki ang lupa na pinaglilibingan nito at nagkaroon nang magandang hugis, kasing ganda ni Magayon.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Bulkan Mayon. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!