Alamat ng Ilang Ilang (Buod)

Alamat ng Ilang Ilang (Buod)Sa isang napakalayong lugar, isang mag-asawa ang may marangyang buhay. Ngunit kahit mayaman sila, hindi naman sila lubos na masaya dahil hindi sila magkaroon ng anak. Panay ang pagdarasal ng mag-asawa upang biyayaan na sila ng Maykapal ng kanilang anak.

Dininig naman ng langit ang dalangin ng mag-asawa. Isang anghel ang bumaba mula sa langit upang iparating ang magandang balita.

Alamat ng Ilang Ilang (Buod) tauhan at aralMagkakaanak daw ang mag-asawa ngunit sa isang kondisyon. Hindi raw maaaring mahawakan nang sinumang lalaki maliban sa kaniyang ama ang bata. Dapat din daw nila itong tawagin bilang si Ilang.

Nagdalang-tao nga ang babae at isinilang ang napakagandang si Ilang. Gayunman, ang babaeng kanilang naging anak ay hindi naman makalabas ng bahay.

ang alamat ng ilang ilang simula gitna wakasHanggang sa pagdadalaga nito ay nakakulong siya sa kaniyang silid bilang pag-iingat na rin na mahawakan siya ng sinumang lalaki.


Nalungkot si Ilang dahil dito. Kaya naman panay ang dasal niya sa Diyos. Isang araw, ang mga bintana ng kaniyang silid ay biglang bumukas.

alamat ng ylang ylang buodHindi nag-aksaya ng panahon si Ilang at lumabas ng silid. Natuwa siyang makita ang mundong hindi niya nasilayan sa mahabang panahon.

Iyon lamang, nahawakan siya ng isang lalaki. Dahil dito, nawala si Ilang at naging isang parang napakagandang bulaklak. Simula noon, tinawag na ilang-ilang ang bulaklak, alinsunod sa ngalan ni Ilang.

Sana ay nagustuhan ninyo ang itong buod ng Alamat ng Ilang Ilang. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!