Si Maria ay isang mabuti at masunuring bata. Gayunman, likas na mahiyain ang babae. Hindi ito nakikihalubilo sa iba kahit na magiliw sa ibang tao ang kaniyang mga magulang na sina Mang Dodong at Aling Iska.
Maganda rin ang pamumuhay nila. Isa sila sa pinakamarangya ang pamumuhay sa kanilang lugar. Kaya naman nang isang araw na lusubin ng mga bandido ang kanilang lugar, isa sa mga napasok ay ang bahay nina Maria.
Takot na takot ang mag-asawa at agad na pinagtago si Maria. Napukpok naman sa ulo si Mang Dodong at nawalan ng malay. Nakpagtago naman si Aling Iska. Nanalangin ito na iligtas ang anak na hindi nila alam kung saan nagtago.
Nang masamsam na ang pera at mga ari-arian ng mag-asawa, umalis din ang mga bandido. Agad na ginising ni Aling Iska ang asawa upang hanapin ang kanilang anak. Hinalughog nila ang kanilang bahay ngunit hindi natagpuan si Maria.
Gayunman, nakita nila ang isang kakaibang halaman sa kanilang bakuran. Tumitiklop ito kapag nahahawakan. Agad na naramdaman ni Aling Iska na iyon ang anak niya. Iniligtas daw si Maria ng Diyos at ginawa itong halaman.
Malungkot man sa nangyari, iniisip na lamang nilang ligtas ang anak. Tinawag nilang makahiya ang halaman, alinsunod sa kantangian ni Maria.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Makahiya. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!