Mayroong isang malupit na hari sa isang kaharian. Minsan ay nakagalitan niya ang isang kawal dahil nakatakas ang mga binabantayan nito. Dahil sa pagkakamaling nagawa, ikinulong siya ng hari.
Nagmakaawa naman ang anak at asawa ng kawal na pakawalan ito. Ngunit hindi naman pinayagan ito ng malupit na hari.
Isang araw, nagkaroon ng anunsiyo ang hari para sa kaniyang kaarawan. Ayon sa hari, nais niya raw makatikim ng bagong pagkain. Kaya naman hinihikayat niya ang lahat na magdala ng isang uri ng pagkain na hindi pa niya nakakain at tutuparin ng hari ang anumang hiling nito.
Naisip ng mag-ina na kung makahahanap sila ng bagong pagkain para sa hari ay makahihiling sila na pakawalan ang kawal.
Nagpunta sila sa gubat upang maghanap ng bagong bunga na hindi pa natutuklasan. Lumipas ang maghapon at wala silang nakita. Pauwi na sila nang masalubong ang isang diwata.
Binigyan sila ng isang bungang kulay berde na tinatawag daw na mangga. Bilin ng diwata, itago raw muna ito ng ilang araw bago ibigay sa hari.
Ilang araw lamang ay naging kulay ginto ito at naging napakabango. Hindi sila nagkamali at nagustuhan ito ng hari. Tinupad nila ang hiling nito at nakalaya ang kawal.
Ipinatanim ng hari ang buto nito at natikman ng lahat ang masarap na mangga.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Mangga. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!