Alamat Ng Marinduque (Buod)

garduke tauhan sa alamat ng marinduqueSa isang kaharian sa Timog Katagalugan, isang hari ang kinabibiliban sa husay ngunit pinangingilagan naman dahil sa kaniyang pagiging malupit. Maging sa pag-ibig ng anak na si Marin ay nangingialam siya.

Nais ipakasal ng ama ni Datu Batumbakal ang anak na si Marin sa isang dugong bughaw. Ngunit nahulog ang loob niya sa isang mang-aawit at tagasulat ng tula. Napaibig siya ng mabuting puso ni Garduke.

Hindi nagustuhan ni Datu Batumbakal ang nalaman na may relasyon ang anak sa isang mahirap na nilalang. Iniutos niya sa kaniyang mga kawal na pugutan ng ulo si Garduke. Sinabi ni Marin sa nobyo ang plano ng ama.

Gumawa sila ng paraan upang matakasan ang nakatakdang kamatayan ni Garduke. Sumakay sila sa isang bangka upang magpakalayo-layo. Ngunit nasundan sila roon ng mga tauhan ng Datu kasama pa ang maharklikang nais ipakasal kay Marin.

buod ng alamat ng marinduqueDahil malapit nang maabutan ng mga kawal sina Marin at Garduke, napagpasiyahan na lamang nilang tumalon sa tubig. Hindi na nakita pa ang dalawa matapos tumalon. Ngunit isang malaking isla ang sumibol sa lugar na pinangyarihan ng habulan.

Kalaunan ay tinawag nilang Marinduke ang lugar bilang pag-alala sa dalawang nag-iibigan na hinamak ang kamatayan maipaglaban lang ang wagas na pagmamahalan.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Marinduque. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!