Noon ay mayroong magsing-irog na naninirahan sa isang bayan na nagngangalang Rosa at Mario. Maganda ang pag-iibigan nilang dalawa dahil wagas magpakita ng pagmamahal si Rosa.
Lalong napatunayan ang pag-ibig nila sa isa’t isa nang subukin ng isang karamdaman ang kanilang pagsasama.
Nalaman ni Rosa na mayroong malubhang sakit si Mario ilang araw bago sila ikasal. Gaano man kalubha ang kalagayan nito ay hindi naman napigil ang kanilang pag-iisang dibdib at natuloy ang kanilang kasal.
Nagsama sila kahit hindi na nakikilos nang maayos si Mario at nakahiga na lamang madalas. Hindi naman naaalis sa tabi ni Mario si Rosa. Palaging nasisilayan ni Mario ang mukha ng kaniyang pinakamamahal kaya naman lagi itong masaya.
Isang araw ay binawian na rin ng buhay si Mario ngunit nakangiti itong pumanaw. Lahat nang nakakita sa bangkay ni Mario ay sinabing nasaan man ito ay wagas ang kaligayahan nito. Naging huwaran para sa marami sa kanilang bayan ang pag-iibigan
Lumipas ang mga panahon at si Rosa naman ang binawian ng buhay dahil sa hindi malamang rason. Gayunman, nagbilin na si Rosa sa kanyang mga kakilala na ilibing siya sa tabi ng puntod ni Mario.
Ilang araw ay may tumubong halaman at bulaklak sa puntod nina Rosa at Mario. Mapula ang bulaklak at may tinik. Tinawag nila itong Rosas bilang pag-alala kay Rosa.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Rosas. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!