May isang dalaga mula sa malayong lugar ang napaibig sa isang lalaki. Dahil sa taglay nitong kaayusan ng anyo at matamis na pananalita, ay nahumaling ang dalaga sa lalaki.
Araw-araw na nagkikita ang dalawa at talaga namang aliw na aliw sa oras na inilalaan sa isa’t isa.
Gayunman, ang lalaki ay hindi isang ordinaryong nilalang. Isa siyang prinsipe ng mga engkanto kaya naman kahit nakapagpalagayan na sila ng loob ay batid ng lalaki simula pa lamang na hindi sila para sa isa’t isang ng dalagang mortal.
Isang araw, ipinagtapat ng engkanto sa dalaga ang tunay niyang katauhan. Ito na rin daw ang huli nilang pagkikita dahil tatapusin na nila ang kanilang relasyon. Hindi makapaniwala ang dalaga sa nalaman.
Kahit papaalis na ang lalaki ay ayaw niyang bitawan ang kamay nito. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kamay ay naiwan ito sa babae habang naglaho na ang lalaki.
Ibinaon niya ang naiwang kamay ng minamahal. Matapos lamang ang ilang araw ay binalikan ng dalaga ang ibinaong kamay. Ngunit mayroong kakaiba sa lupang pinagbaunan.
May tumubong halaman doon na may mga dahon ngunit walang sanga, kaiba sa ibang puno. Namumunga rin ito ng tila hugis kamay, tila ang kamay ng engkanto na kalaunan ay tinawag nilang saging.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Saging. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!