Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?

Katanungan

alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?

Sagot verified answer sagot

Ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan ay nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.

Ang pagigingmakatarungan ay isang pag-uugaling nagpapakita ng paggalang sa pagkakapantay –pantay ng lahat partikular na sa tungkulin o gampanin ng bawat isa.

Ito ay unang natutunan sa pamilya sapagkat sila ang kinamulatan ng bawat indibdiwal. Sa kanila unang natututunan ang wastong pag-uugali na nagiging kapaki-pakinabang upang mahubog ang ugaling makatarungan.

Kung kaya, mahalaga ang pagkakaroon ng wastong kaalaman sa paghubog sa bawat miyembro ng pamilya upang masiguro na nasa wasto o tama ang mga bagay na itinuturo sa mga ito.