Alin ang nagpatigil ng kaguluhan ayon sa mensahe ng akda?

Katanungan

alin ang nagpatigil ng kaguluhan ayon sa mensahe ng akda?

Sagot verified answer sagot

Ang nagpatigil ng kaguluhan ayon sa mensahe ng akda ay ang pag-ibig ni Oriol kay Handiong.

Sa akdang pinamagatang Ibalon na nagpapakita ng kabayanihan ng tatlong makikisig na sina Baltog, Bantong, at Handiong.

Ang akdang ito ay isang epiko patungkol sa kabayanihan ng tatlo na siya namang pinaniniwalaang pinagmulan ng ngalan ng kasalukuyan ay kinikilalang Bicol Region.

Ayon sa kasaysayan, ang akdang ito ay natutunan ni Prayle Jose Castaño mula sa kanyang kaibigan na isang mag-aawit na kinilalang si Cadungdung taong 1895 pa lamang.

Ang epiko ay kinapapalooban ng mga kaguluhan laban sa mga iba’t ibang nilalang kabilang na si Oriol na isang nagbabalot kayo bilang isang magandang dilag.

Subalit ang mga kaguluhan ay nawakasan matapos makiisa ni Oriol sa mga bayaning sina Baltog, Bantong, at Handiong dahil na rin sa nahulog ito sa kakisigan ni Handiong.