Alin ang Pinakawastong Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu?

Katanungan

alin ang pinakawastong kahulugan ng kontemporaryong isyu?

Sagot verified answer sagot

Ito ay ang tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na maaaring gumagambala, nakakaapekto at maaring makapagpabago sa kalagayan ng tao at sa lipunang kanyang ginagalawan.

Ang kontemporaryong isyu ay isa sa mga pinakamahalagang diskurso na dapat aralin ng mga kabataan at matatatanda dahil sila rin ang naaapektuhan ng mga isyung ito.

Mahirap kung hindi lingid sa kaalaman ng mga tao kung may nagaganap na ganitong isyu dahil maaaring hindi nila alam ay direkta na silang maaapektuhan sa mga polisiya o pagbabago sa kanilang lipunan.

Bukod pa rito, dapat din itong malayang tinatalakay araw araw upang mas mapalalim pa ang diskurso at lalo pang maunawaan.