Alin sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ang iyong higit na hinahangaan bakit?

Katanungan

alin sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ang iyong higit na hinahangaan bakit?

Sagot verified answer sagot

Sa lahat ng naging ambag ng mga sinaunahang kabihasnan sa ating mundong ginagalawan ngayon ay ang larangan ng sining at panitikan. Partikular na ang sistema ng pagsusulat.

Nagsimula ang sistema ng pagsusulat noong kabihasnang Mesopotamia. Ito ay tinatawag na cuneiform. Sa pamamagitan nito ay nagkaroon ng paraan upang magkaintindihan ang mga tao kahit saang panig man ng daigdig. Dito nagpasimula na magkaroon ng iba’t-ibang wika sa mga bansa.

Sa pamamagitan rin ng pagsusulat ay umunlad ang larangan ng sining at panitikan. Maraming naisulat na mga lathalain at akda. Natutunan rin ng mga tao na magbasa. Naging makulay ang mundo sa mga kuwento at iba pa na naisulat.