Katanungan
alin sa mga sinaunang kabihasnan ang may pinakamahalagang kontribusyon sa sangkatauhan?
Sagot
Sa lahat ng mga sinaunang sibilisasyon na umusbong, ang kabihasnang Sumer ang sibilisasyon na may pinakamarami at pinakamahalagang kontribusyon sa kasaysayan.
Ang kabihasnang Sumer ay maraming naging ambag sa mga iba’t-ibang larangan tulad ng edukasyon, panitikan, agham, matematika, at marami pang iba.
Isang magandang halimbawa ay ang sistema ng pagsusulat. Ang kauna-unahang sistema ng pagsusulat ay nabuo sa ilalim ng kabihasnang Sumer at ito ay kanilang tinawag na cuneiform.
Ang unang temple na Ziggurat ay nilikha rin ng mga Sumerians. Naging maunlad rin ang larangan ng agrikultura na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin.
Bumuo rin ng sistema ang mga Sumerians upang matukoy ang pagpapalit ng mga araw, na tinatawag na nating kalendaryo ngayon.