Katanungan
alin sa mga sumusunod ang hindi hanapbuhay ng mga sinaunang pilipino?
Sagot
Ang hindi hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino ay ang pagiging katulong sa ibang bansa.
Ang mga sinaunang Pilipino na namuhay sa bansa ay may malaking kaibahan sa uri ng pamumuhay kung ikukumpara sa kasalukuyang panahon.
Sapagkat ang mga ito ay nakadepende sa mga maaaring makuha sa kanilang kapaligiran. Namuhay sila sa pamamagitan ng pagtatanim o pagsasaka, pangingisda, at maging pangangaso o panghuhuli ng mga ligaw na hayop.
Ngunit, sa kasalukuyang panahon, bagamat popular pa rin ang pagsasaka at pangingisda, ang mga indibidwal ay nakapapasok na rin ng iba’t ibang trabaho gaya ng pangingibang bansa, pagnenegosyo, at pagiging empleyado ng pamahalaan at ng pribadong sektor.