Katanungan
alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag patungkol sa likas na batas moral 3?
Sagot
Mula sa mga nabanggit na pagpipilian, ang tamang pahayag patungkol sa likas na batas moral ay ito ay ang nag-uutos sa tao kung ano ang kailangan nilang gawin.
Bahagi ng buhay natin ang gumawa ng mga desisyon, maging maliit man yan o malaki. Sa paggawa natin ng desisyon, ating pinagpipilian rin kung alin ang mabuti at masama o tama at mali.
Dito pumapasok ang usapin ng likas na batas moral kung saan may kakayahan tayong gawin ang nararapat at huwag gumawa ng masama o ikapapahamak natin.
Unibersal ang likas na batas moral. Kahit sino sa buong mundo, mapa-bata o matanda, lalaki o babae—ay mayroon nito.