Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?

Sagot verified answer sagot

Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapaKung ang tiyak o absolute na lokasyon ang titignan sa mapa, ang sinasabi nito na ang Pilipinas daw ay matatagpuan sa hilaga ng ekuwador o nasa 4 degrees 23’ – 21 degrees 25’ hilagang latitud; 116 degrees 00’ – 127 degrees 00’ sa silangang longhitud.

Ang pamamaraan kasi ng pagtukoy ng absolute o tiyak na lokasyon ng isang lugar ay ginagamitan ng mga imahinasyong linya sa mapa o globo na tinatawag na sistemang grid.

Ang sistemang grid ay kinabibilangan naman ng longhitud (longitude) at latitud (latitude). Ang kabaligtaran naman ng absolute o tiyak na lokasyon ay ang relatibong lokasyon na nakabatay naman sa mga lugar sa paligid ng isa pang lugar.