Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng likas na batas moral?

Katanungan

alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng likas na batas moral?

Sagot verified answer sagot

Ang unang prinsipyo ng likas na batas moral ay gawin ang mabuti, iwasan ang masama.

Ang likas na batas moral ay isang natatanging regalo mula sa Diyos na gumabagay sa tao sa pagtahak sa kamalayan ng paggawa ng kabutihan at pag-iwas sa masama.

Naglalayon ito na mabigyan ang mga indibidwal ng tamang gabay na makatutulong sa apgbuo ng isang matalinong pasya na nakatutulong sa ikabubuti ng lahat.

Ang batas moral ay maaaring maging obhetibo o nababatay sa katotohanan na nagmumula sa Diyos at pangkalahatan na sumasaklaw sa bawat ikabubuti ng mga indibdiwal.

Ang likas na batas moral ay isang bagay na nananatili at hindi nababago sapagkat ito ay layon at pagkatao ng indibidwal ay hindi nagbabago.