Katanungan
alin sa mga sumusunod na simbolo ang nagtataas ng kalahating hakbang na tono?
Sagot
Sa mga sumusunod na simbolo ang nagtataas ng kalahating hakbang na tono ay ang # (SHARP).
Ang sharp na may simbolong # ay isang uri ng accidental. Ang accidental ay karaniwang ginagamit upang maipakita ang pagtaas at ang pagbaba ng tono ng isang nota.
Ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang uri gaya ng sharp na nagpapakita ng pagtaas ng tonos a kalahating hakbang; flat naman ang nagpapakita ng pagbaba ng tono; natural para sap ag-aalis ng anumang epekto ng alinman sa accidental na sharp o flat. Ang natural na accidental din ang madalas ginagamit upang maibalik ang tonong orihinal ng isang awitin.