Alin sa Salik ang Gumagamit sa mga Gawaing Pisikal at Mental sa Produksyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Alin Sa Salik Ang Gumagamit Sa Mga Gawaing Pisikal At Mental Sa Produksyon?

Sagot verified answer sagot

Sa mga salik ng produksyon, ang manggagawa ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental. Ang manggagawa ay maaaring tumukoy sa sino mang taong kumikilos sa produksyon o nagta-trabaho.

Bilang isang tao, siya lamang ang may kapasidad na gumamit ng kanyang pisikal na lakas sa proseso ng produksyon. Gayun na rin ang masasabi sa kanyang mental na kapasidad, bilang ang tao lang ang may pag-iisip sa lahat ng salik ng produksyon.

Ang isang manggagawa lang ang maaaring gumamit ng kanyang utak upang mapalago ang negosyo. Ang manggagawa lang ang may kakayahan na mapaunlad ang produksyon, gumawa ng mapapakinabangan, at gumamit ng likas na yaman.