Katanungan
alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
Sagot
Ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay natutukoy ang katotohanan at opinyon, pagkilala sa mga sanggunian, at pagbuo ng opinyon at ugnayan.
Ang kontemporaryong isyu ay pumapatungkol sa iba’t ibang mga ideya, paksa, opinyon, o anumang mga pangyayari na mayroong kaugnayan sa panahong kasalukuyan.
Ito ay nahahati sa apat na uri na kinabibilangan ng mga panlipunang isyu gaya ng rasismo, terorismo, at halalan; pangkalusugang isyu tulad ng kanser at sobrang katabaan; pangkapaligirang isyu gaya ng polusyon; at pangkalakan tulad ng globalisasyon.
Ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay mahalaga sapagkat nakatutulong ito na malinang ang pag-iisip na kritikal ng mga indibidwal.