Katanungan
alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
Sagot
Ang maituturing na kamangmangan na di madadaig ay pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby.
Ang kamangmangan ay pumapatungkol sa salat na kaalaman na tinataglay ng isang indibidwal. Ito ay nahahati sa dalawang uri.
Una, ang kamangmangang madaraig o tinatawag na vincible ignorance sa ingles kung saan ang kasalatan sa kaalaman ay maaring mabigyang solusyon sa tulong ng edukasyon o pag-aaral.
Ang ikalawa ay ang kamangmangang hindi madaraig o invincible ignorance na pumapatungkol naman sa kasalatan sa kaalaman na kung saan ito ay hindi nalalampasan dahil ang indibidwal ay hindi nagsasagawa ng anumang hakbang o paraan.