Katanungan
alin sa sumusunod ang naglalarawan sa paniniwala ng mga micronesian?
Sagot
Sa sumusunod, ang naglalarawan sa paniniwala ng mga Micronesian ay naniniwala sila sa halaman, hayop, bato, bundok, at ilog.
Ang mga Micronesian ay nabibilang sa mga kabihasnang umusbong sa Pasipiko. Ito ang sinasabing kabihasnang umusbong na siyang pinakamalapit sa bansang Pilipinas.
Ang mga Micronesian ay pinaniniwalaang nagmula sa Austronesyanong lahi na sinasabing nagmula naman sa mga bansang Formosa sa Taiwan at Timog China.
Sila rin ay nailalarawan bilang mga indibdiwal na nagtataglay ng kahusayan sa paglalayag. Ang pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao kung saan gumamit sila ng wayfinding o isang uri ng teknolohiya na nababatay sa buwan, arat, at mga bituin na nagsisilbing gabay ng mga ito.