Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?

Katanungan

alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?

Sagot verified answer sagot

Ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks ay ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

Ang ekonomiks ay kabilang sa mga sangay ng mga agham patungkol sa lipunan na kung saan sinisikap pag-aralan nito kung paano matutugunan ang bawat pangangailangan gayundin ang mga kagustuhan ng lipunan sa kabila ng mga kakapusang kinakaharap o mga pinagkukunang limitado lamang.

Mahalaga ang pag-aaral nito dahil nakatutulong ito upang makabuo ng isang desisyong matalino ang bawat indibidwal, nakatutulong ito upang maintindihan ang mga isyung may kaugnayan sa lagay ng ekonomiya ng bansa, at nahuhubog nito ang ugali, gawi, at pang-unawa na kapaki-pakinabang sa paggawa ng isang makabuluhang desisyon.