Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa likas na batas moral?

Katanungan

Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa likas na batas moral?

Sagot verified answer sagot

Ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral ay ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensiya na kilalanin ang mabuti at masama.

Ang Likas na Batas Moral ay isang handog mula sa Panginoon mula ng ito ay malikha na kung saan ang pagkakalalang ng tao ay may bahagi sa kabutihan at karunungan ng Panginoon.

Dahil sa handog na ito, ang indibidwal ay nabibigyan ng mahalagang pagkakataon upang matukoy at malaman ang pagkakaiba ng mabuti sa masama.

Gayunman, ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng kalayaan na siyang ginagamit ng bawat isa upang gumawa ng mga bagay na makabubuti o nakasasama sa sarili at sa iba.