Katanungan
alin sa sumusunod ang tawag sa salitang likas na hindi pa nakakabitan ng anomang panlapi?
Sagot ![verified answer sagot](https://www.panitikan.com.ph/wp-content/uploads/2020/01/verified-answer-sagot-3.jpg)
Ang salitang-ugat ay ang tawag sa salitang likas na hindi pa nakakabitan ng anumang panlapi.
Ang salitang-ugat ay ang klase ng salita na kung saan ito ay nasa anyong payak at hindi nadugtungan ng anumang uri o klase ng panlapi o mga klase ng salita na idinadagdag o idinudugtong sa salitang-ugat gaya na lamang ng unlapi, gitlapi, at hulapi.
Ang unlapi ay isang klase ng panlapi na idinadagdag sa unang bahagi ng payak na salita; ang gitlapi naman ay makikita sa gitnang parte ng salitang-ugat; at ang hulapi naman ay idinadagdag sa dulo o huling bahagi ng salitang-ugat.