Ama ng rebolusyong Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino ang ama ng rebolusyong Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Ama ng rebolusyong PilipinoAng ama ng rebolusyong Pilipino ay si Andres Bonifacio. Maliban dito, siya rin ay ang kinikilalang ama ng himagsikan.

Nakuha niya ang mga katawagang ito dahil siya ang isa sa mga nagpaumpisa ng Kataastaasang, Kagalang-galangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala bilang KKK o Katipunan.

Siya rin ang naging supremo ng KKK na isang lihim na samahan ng mga Pilipinong nagnanais na maibalik ang kalayaan ng Pilipinas at mapaalis sa bansa ang mga mananakop na Espanyol.

Lihim silang nagkikita at nagpupulong ng kanilang mga hakbang para sa rebolusyong gagawin. Ang paniniwala ni Bonifacio, ang kalayaan ay hindi matatamo sa maayos na paraan, bagkus sa pamamagitan ng rebolusyon.