Amado V. Hernandez

Talambuhay

Si Amado V. Hernandez, o mas kilala sa mga ngalang Amante Hernani, Herminia dela Riva, Julio Abril, ay isang sikat na makata at manunulat sa wikang Filipino. Siya ay binansagang “Manunulat ng mga Manggagawa”, dahil isa siyang pinuno ng mga manggagawang Pilipino at naging lakas siya ng mga ito.

Ang Talambuhay ni Amado V. Hernandez

Isinilang si Amado V. Hernandez noong ika-13 ng Septyembre 1903 sa Hagonoy, Bulacan. Siya ay anak nina Juan Hernandez at Clara Vera. Kalaunan, lumipat ang pamilya ni Hernandez sa Tondo, Maynila at doon na lumaki. Nag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila nung hayskul at sa American Correspondence School sa kolehiyo. Maaga naging ama si Hernandez at nagpakasal sa sarswelang aktor at Kundiman Queen na si Atang dela Rama. Nakilala ang mag-asawa bilang Pambansang Alagad ng Sining, si Hernandez para sa Panitikan at si dela Rama naman para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.

Hernandez bilang Manunulat

Simula pagkabinata, napalapit na ang puso ni Hernandez sa pagsusulat. Buong puso at isip niya ay itinalaga niya sa pagsusulat. Ang kanyang pinakaunang sulat sa wikang Filipino ay naitala sa pahayagang Watawat (flag). Katagalan, nagsulat siya para sa mga Pagkakaisa at naging bunga ang Mabuhay. Sa edad na 19 taong gulang, naging parte si Hernandez sa samahan na pampanitikan na Aktang Bayan na kung saan nakasama niya ang mga magagaling na manunulat na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.

Halos lahat ng mga isinulat ni Hernandez ay tungkol sa mga pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Sa sobrang pagmamahal niya sa mga ito, minsan niya na ring sinulat ang Isang Dipang Langit noong siya ay nakulong.

Kontribusyon at Parangal

Hanggang sa araw na ito, kinikilala parin si Hernandez sa larangang ng sining at Panitikan. Bawat taon, isang gawad na binansagang “Gawad Ka Amado” ay ipinagdiriwang ng mga iba’t ibang makata, manunulat, mandudula, mang-aawit, at may akda na inialay nila kay Hernandez.

Popular Posts