Katanungan
anak na di paluhain ina ang patatangisin (KAHULUGAN)?
Sagot
“Anak na di paluhain, ang ina ang patatangisin.” Isa ito sa mga sikat na salawakain na mayroon tayo dito sa ating bansa.
Ang mga salawikain ay mga kasabihan na minana pa natin sa ating mga ninuno. Ito ay nagpasa-pasa sa bawat henerasyon upang pangaralan ang mga bata, dahil ang bawat salawikain ay may dalang aral.
Para sa salawikain na nabanggit sa taas, ang ibig sabihin nito ay bilang mga magulang hindi maiiwasan na mapaiyak ang mga anak kapag nag-didisiplina upang sila ay matutong lumaking responsable.
Kung ang anak ang magpapaiyak sa magulang ay magiging suwail sila paglaki, tiyak ng mga matatanda.