Katanungan
Ang bahagi ng pananalita na panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop
Sagot 
Ang bahagi ng pananalita na panghalili o pamalit sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari ay tinatawag na panghalip.
Ito ay ginagamit upang palitan ang pangngalan sa isang pangungusap o pararila upang hindi paulit-ulit ang banggit sa pangngalan. Ang isang panghalip ay may iba’t ibang kailanan o ang gamit depende sa dami ng pangngalang papalitan nito.
May isahan, dalawahan, o maramihang mga uri ng pangahalip na maaaring gamitin. Mayroon ding apat na uri ng panghalip na maaaring gamitin.
Ito ay ang panghalip panao, panghalip na pananong, panghalip na pamatlig, at panghalip na panaklaw na may kaniya-kaniyang gamit sa pagpapalit ng mga pangngalan.