Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas? (KAHULUGAN)

Katanungan

ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas kahulugan?

Sagot verified answer sagot

“Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Isa ito sa mga pangungusap na kadalasan nating maririnig kapag pag-aaralan natin ang batas.

Ito ay may magandang mensahe na patas lamang ang bawat tao sa ilalim ng batas. Ang batas ang makakatulong sayo bilang mamamayan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay sa iyong lupang ginagalawan.

Hindi maglalapat o iaayon ang batas sa iyo ngunit ikaw ang susunod sa batas. Kahit sino ka pa man, kahit gaano pa man karami ang iyong salapi, kahit ano pa ang iyong kasarian ay lahat ng iyan ay walang kwenta bagamat ikaw pa rin ay mapaparusahan sa ilalim ng batas kung ikaw ay nagkasala man.