Ang bilang ng pantig sa haiku ay binubuo ng?

Katanungan

ang bilang ng pantig sa haiku ay binubuo ng?

Sagot verified answer sagot

Haiku ang isa sa mga pinakatanyag na uri ng panitikan sa bansang Japan. Ito ay isang anyo ng tula na nagmula sa nasabing bansa at umusbong noong ika-16 na siglo.

Ang haiku, hindi gaya ng ma tradisyonal na tula, ay may tatlong taludtod lamang na bumubuo ng 17 na pantig.

Ang pantig ay nahahati sa 5-7-5 na paraan. Dahil maikli ito, maraming nahumaling sa haiku at mabilis na napag-aralan.

Kaya naman lumaganap ito, hindi lamang sa Japan, maging na rin sa buong mundo. Ang haiku ay maaaring maglaman ng patungkol sa iba’t-ibang bagay. Pero sa Japan, kadalasan ay inuugnay ito sa kasaysayan nila.