Ang burol ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa?

Katanungan

ang burol ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa?

Sagot verified answer sagot

Ang burol ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa bundok.

Ang burol o sa ingles ay tinatawag na hill ay isang halimbawa ng mga anyong lupa na matatagpuan sa bansang Pilipinas.

Kung ilalarawan ang anyong lupang ito ay mas mataas kaysa sa mga kapatagang nakapaligid rito subalit ang taas ay mas mababa kung ikukumpara sa isang bundok ngunit nagkakapareho sa usaping katangian. Ito ay may tuktok na natatangi.

Samantala, ang paligid naman nito ay madalas ilarawan na luntian. Isang halimbawa ng burol ay ang chocolate hills na makikita o matatagpuan sa Bohol. Sa kabilang banda, ang maliit na burol ay kilala sa tawag na punso.