Ang consumer protection agencies ay may gawaing?

Katanungan Sagot

Katanungan

ang consumer protection agencies ay may gawaing?

Sagot verified answer sagot

Ang Consumer Protection Agencies ay may gawain o layuning protektahan ang mga mamimili. Hindi natin maitatanggi na maraming mga intrepreneur ang nagbibigay ng sobrang presyo kumpara sa itinakdang srp o suggested retail price.

Sila ang mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili at upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan.

Tinitiyak nila na ang isang produkto ay magiging katumbas lamang ng presyo nito. Sila ang ating katuwang hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya sa maling paglalagay ng etiketa sa mga produkto, sa maling timbang at sukat, pandaraya at mapalinlang na gawain ng mga mangangalakal.