Katanungan
ang elemento ng eq kung saan alam ng isang tao kung bakit niya nararamdaman ang isang emosyon at tinatanggap ang emosyon na nararamdaman?
Sagot
EQ o emotional quotient ang tawag sa kakayahan ng isag idibidwal na makontrol at mamatnugot sa kanyang mga damdamin at emosyong nararamdaman.
Ayon sa mga dalubhasa, may limang elemento ang emotional quotient. Una na rito ang pagkilala sa sariling emosyon kung saan alam ng isang tao kung bakit niya nararamdaman ang isang emosyon at tinatanggap ang emosyon na nararamdaman.
Napakaraming emosyon ang maaaring maramdaman ng isang tao sa kanyang buong buhay. Kaya naman napakahalaga na kilalanin ng isang tao ang kanyang sariling mga emosyon upang magiging maayos ang kanyang pamamahala rito.
Sa ganoong paraan rin ay mas maayos at mas kanais-nais ang maipapakita niyang damdamin.