Katanungan
ang epiko na Hinilawod ay nagmula sa?
Sagot
Ang epiko na Hinilawod ay nagmula sa ilog ng Halawod. Ang epiko ng Hinilawod ay ang itinuturing na Epiko ng Panay o ng mga Bisaya.
Ayon sa tala ni Dr. Jose Villa Panganiban, ang epikong ito ay nadatnan sa lugar ng Panay sa kanlurang bahagi ng isla ng Bisaya.
Ito ay ang pinakaluma, pinakamatanda, at pinakamahabang epiko na naitala sa bansang Pilipinas.
Ang epiko ay pinaniniwalaang sumasalamin sa kultura at kaunlaran ng bayan ng Panay mula pa sa panahong ito ay umusbong.
Ang epikong ito ay karaniwang inaawit sa loob ng isa o di naman kaya ay dalawang oras sa isang gabi sa loob ng tatlong linggo.