Ang globalisasyon ay proseso?

Katanungan Sagot

Katanungan

ang globalisasyon ay proseso?

Sagot verified answer sagot

Ang globalisasyon ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy ng mga impormasyon tungkol sa mga tao, bagay, ideya, produkto, serbisyo, at marami pang iba. Isa itong pangmalawakang ugnayan. Bawat bansa sa buong mundo ay naaapektuhan ito.

Maraming uri ng globalisasyon ang nagaganap ngayon sa buong mundo. Ito ay maaaring magmula sa larangan ng kultura, ekolohiya, ekonomiya, teknolohiya, at iba pa.

Isang magandang dulot ng globalisasyon ay nabuksan nito ang turismo sa buong mundo. Maraming mga dayuhan ang naglalakbay sa ibang bansa upang matuklasan ang kagandahan nito o upang magbahagi ng kanilang kultura. Ito ay nagpapaunlad rin sa ekonomiya ng mga bansa.