Katanungan
Ang gobyerno ng Pilipinas noong panahon ng Hapon ay itinuring na gobyernong papet. Sino yung President natin noon?
Sagot 
Pinamunuan ng walang iba kung hindi ang dating presidente na si Jose P. Laurel ang ating bansang Pilipinas noong itinuturing na gobyernong papet ang ating gobyerno sa ilalim ng kolonyal na mga kamay ng mga Hapon.
Ito ay nangyari sa kasagsagan ng pagtatag ng Ikalawang Repulika ng Pilipinas noong Oktubre 14, 1943.
Tinawag na gobyernong papet (o puppet sa wikang Ingles) ang gobyerno noong panahon na ito bagama’t naging sunud-sunuran na parang papet lamang ang mga awtoridad, kabilang na ang pangulo, sa kung ano ang nais ng mga Hapon. Ang lahat ng utos ay nanggagaling pa rin sa mga Hapones.