Sa gitna ng mapanglaw at malawak na gubat, isang lalaki ang nakagapos sa malaking puno ng Higera. Ang lalaking iyon ay ang magiting na si Florante.
Ang dating tinitingalang mandirigma ay walang magawa ngayon at nakagapos lamang sa isang puno sa kagubatan.
Tahimik man ang gubat, mga lagaslas man ng dahon at puno ang tanging naririnig, batid niya na ang katahimikan ay nangangahulugan din ng kapahamakan.
Sa gubat ay naglalagi ang mga mababangis na hayop na anumang oras ay maaaring umatake at kitilin siya lalo’t wala siyang magagawa dahil sa kaniyang pagkakagapos.
Ang katahimikan din ay ang nagdudulot sa kaniya ng matinding pagkalungkot. Kahit ang huni ng mga ibon ay malungkot din ang tunog para kay Florante. Hindi mapigilang malungkot at mabalisa dahil sa kaniyang kalagayan.
Naghihinagpis siya dahil walang magawa ngayon ang dati’y tinitingalang siya. Ngayon ay malayo siya sa kaniyang mahal sa buhay. Hindi niya matanggap na naging biktima siya ng kasamaan ng isang tao. Hindi niya matanggap na wala siyang nagawa upang pigilan ang kasamaang iyon.
Hindi matapos sa pagtangis si Florante dahil sa sama ng loob. Dahil batid niyang malawak ang gubat, nawawalan na siya ng pag-asa na siya ay makaliligtas pa at muling makakapiling ang kaniyang pamilya at sinisinta.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Ang Mga Hinagpis Ni Florante. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!