Ang ibang hilig ay natutunan mula sa karanasan halimbawa?

Katanungan Sagot

Katanungan

ang ibang hilig ay natutunan mula sa karanasan halimbawa?

Sagot verified answer sagot

Tama nga naman na ang ibang hilig ay natutunan mula sa karanasan. Ang pagkahilig sa isang bagay ay talaga namang kailangan munang magkaroon ng isang karanasan o masubukan muna ng isang tao bago niya ito tuluyang tangkilikin.

Sa simpleng halimbawa ay ang pagkain. Ang pagkahilig sa isang pagkain ay hindi basta-basta dumarating. Ito ay titikman muna ng isang tao at kung magustuhan ay kanyang hahanap-hanapin.

Isang magandang halimbawa rin ay ang pagkahilig sa sports. Sa ating bansa ay tanyag ang larangan ng basketball. Maraming mga Pinoy ang nanunuod nito at kung sila ay nakahanap nang makakalaro, ay nakakahiligan rin nila ito matapos ang ilang laro lamang.