Ang ilustrasyon sa itaas ay may kinalaman sa produksyon ano ang ipinapahiwatig nito?

Katanungan

ang ilustrasyon sa itaas ay may kinalaman sa produksyon ano ang ipinapahiwatig nito?

Sagot verified answer sagot

Ang ilustrasyon sa itaas ay may kinalaman sa produksyon, ang ipinapahiwatig nito ay ang ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang salik ng produksyon na siyang kapaki-pakinabang sa mga serbisyo at produktong naisasagawa alinsunod sa pagtugon sa walang hanggang pangangailangan ng mga tao gayundin ng kanilang mga kagustuhan.

Ang mga salik na nabanggit ay ang lupa o tumutukoy sa yamang likas na mula sa kapaligiran. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan itinatayo ang iba’t ibang mga imprastraktura sa pag-ikot ng produksyon.

Nariyan din ang kapital o mga kasangkapan at paraang ginagamit upang maisagawa ang produksyon; paggawa o mga indibdiwal na nagsisilbing elemento upang maisakatuparan ang produksyon; at mamumuhunan na siyang nagsisilbing utak ng isasagawang produksyon.