Katanungan
ang imperyo ba ay katulad ng salitang imperyalismo at kolonyalismo?
Sagot
Hindi iisa ang ibig sabihin ng mga salitang imperyo, imperyalismo, at kolonyalismo. Ngunit ang tanong salitang ito ay may direktang ugnayan sa isat’-isa.
Ang imperyo ay tumutukoy sa isang kaharian na naitatag sa isang lipunan. Ito ay pinamumunan ng isang hari o emperador. Imperyalismo ang pamamaraan kaya nakapagtatag ng imperyo sa isang lugar.
Sa pamamagitan ng angking kapangyarihan at kalakasan ng isang imperyo ay maaaring makasakop ito ng higit na mas maliit at mas mahinang mga lupain o teritoryo sa iba’t-ibang mga paraan.
Ang kolonyalismo naman ay isang uri ng imperyalismo kung saan direkta ang pagsakop sa isang bansa o lupain.